Wednesday, May 28, 2008

SINO BA TALAGA MISS MO???

halos isang linggo ng wala ang bebeh ko. umuwi sya sa kanilang probinsya sa tayug, pangasinan. hindi ko alam kung anu gagawin ko, wala akong makulit. wala ring akong load kaya ndi kme masyadong makapagtext. wala ring daw kuryente doon dahil nga sa nag daang bagyong si cosme at mahina din ang signal. as usual, wala nanaman akong magawa. kung pede lang araw araw uminom kasama ng mga pinsan ko, yun nalang ang gagawin ko.

sa mga araw na ako lang mag isa dito sa aming bahay, nakatitig sa monitor ng aking pc, hindi ko maiwasang mag balik tanaw sa aking nakaraan.. ang lalim di ba? sa araw araw na pabubukas ko ng aking friendster, ngaung araw na ito ang pinaka masayang araw! its may 29, mga kapatid sayang at hindi ko nakita ang oras. pag bukas ko, isang friend request ang nakita ko. hindi ako nag taka, baka isa nanaman sa mga estudyante kong napadaan at in add ako. sa aking pagbukas ay ako ay nagulat! hindi ako makapaniwala sa aking nakita.....

ang aking pinakamamahal na ex! as in ex boyfriend ko! ( Hindi ko na sasabihin kung sino at baka malaman pa ng bebeh ko). ilang taon n nga ba ng kami'y huling nagkita? ilang taon na nga ba ng kami'y huling nag usap. infairness, asa ym ko siya dati, sa aking pag kabugnot at sa sakit ng aking nararamdaman e binura ko na ang kanyang contact details. ilang taon ko rin syang hinanap sa friendster, dahil ang damuhong iyon ay binura ko sa friends list nya. kakaasar di ba? siguro nag sawa na sya sa araw araw na pagtingin ko sa profile nya. halos lahat ng pangalan na alam kong pwede nyang gamitin ay na search ko na, hanggang sa ako'y nawalan na ng pag asa. ngaung taon ko lang halos nakita ang friendster nya, at syempre sa aking inaasahan sya ay may asawa na. (daw) ako'y nasa denial stage pa hanggang sa ngaun, kahit iyon ang dinahilan nya ng mkipag hiwalay sya sakin ( damuho talaga! nag dahilan pa!) at alam kong hindi na sya magbabalik. ilang araw kong iniyakan at halos kilitin ang aking buhay ( ang oa no?) sa pag inum ng napakaraming sleeping pills ( which by the way ndi na effective sakin) at kung anu anung pumasok sa utak ko na pwede kong gawin. halos ako'y magkulong at hindi lumabas sa aking kwarto, lalabas lang ako pag papasok ako. putik oo nga pala nurse pa ako nun at mag babalat kayo na masaya at walang sakit na nararamdaman. hindi ko alam kung bakit ko nga ba minahal ng todo ang panget na ito, sa ilang buwan lang nga aming pagsasama, itinuring kong ito ang pinakamasayang araw ng buhay ko. na oo halos ngaun, hindi parin ako tinatantanan ng aking isipan sa pagbababalik alaala ng aming nakaraan. sa pakiramdam ko sa bawat lugar, gawain at sulok ng kwarto ko ay alaala nya nakikita ko.. cguro kme nga ay may unfinished business ako sa kanya, dahil ndi ko man sya nasampal o nakita man ng kami'y maghiwalay ( ang kapal no? sa phone nakipag break?!). mabuti pa ang nanay ko't kapatid ko, nakita sya at nkapag kamustahan. at ang bestfriend ko nakita rin nya! bakit ako ndi??? napaka gala ko namang tao?? cguro nga kailangan ko ng tuldukan... tuldukan ang nakaraan...

alam kong unfair sa bebeh ko ang nararamdaman ko. ngunit hindi ko maiwasan minsan ang mag isip tungkol sa kanya. kanina lang ng naglilinis ako sa aking kwarto, alaala nanaman nya ang naiisip ko, ndi ko napigilang mapaluha... katxt ko ang bebeh ko, sya ang naiisip ko... anu ba itong kabaliwan ko... lalo na ngaung mag friendster na ulit kme.. ndi ko mapigilang tititgan ang kanyang picture... ang kanyang ngiti at ang kanyang gooty na andun parin... tama na, ayoko na... anu nga bang meron kang hayop ka!

1 comment:

Anonymous said...

hmmm... mahirap may unfinshd biz sa buhay lalo na if youre contemplating marriage with your present papu. hehehe.. mwah