Saturday, May 31, 2008

BITTER O NAG BIBITER BITTERAN???

ahehehe... mukhang ito ang kasunod ng blog ko na puno ng ka dramahan at ka ekekan sa buhay ko.

may 29, oo may 29 nung halos maloka loka ako, sumirko sirko, mag cartwheel at umunat ang buhok sa excitement nung araw na iyon.. bakit nga ba hindi di ba? eto naman ang karugtong ng kwentong iyon...

aun nga.. sa sobrang saya ko, ndi ko mapigilang tuamlon at mag sisigaw.. umiral nanaman ang pag ka oa ko nung araw na iyon. ako'y napa blog sa sobrang dami ng aking saloobin, sa daming gustong sabihin dahil wala naman akong makausap sa bahay kundi ang aso ko at mga halaman ng nanay ko. wala pang isang oras binalikan ko ang friendster ko.. ANAK NG TOKNENENG TALAGA OO! binura nya na kaagad ako sa friends list nya! ANAK TALAGA NG PUTAKTE! lahat na ata ng alam kong mura ay nasabi ko na sa asar! lahat ng kung anu anung anak jan nasabi ko narin ata. nakakainis talaga yang damuhong iyan! napagaling mang asar at mang inis! nakakangit-ngit ng laman! ang sarap tadtarin at ipagiling ang laman! bakit nga ba o bkit nga ba! sa sobrang asar ko, ndi ko napigilang mag leave ng message sa kanya.. ayan.. kung pwede lang talagang murahin ginawa ko na... calm down... calm down... inhale exhale ka na... pinigilan ko ang galit na aking nararamdam...

SUBJECT: ei!
MESSAGE: tnx for adding ang deleting me to your friends list! ingats and godbless!

ANAK TALAGA NG PATING OO! ndi ko alam kung naka alis ng sama ng loob itong ginawa ko. mukhang isang katerbang pride nanaman ang aking kinain at nilunok. napaka hayop tlaga ng lalaking ito! bakit ganto katindi ang epekto sa akin! lumipas ang buong araw at sobrang ngitngit parin ng aking nararamdaman.. naglinis ulit ako ng aking kwarto.. nilinis ko ulit ang buong bahay... nagpaligo ng mga aso para maalis ang asar sa mga pang yayari. hay buhay nga naman oo.. bakit ganto.. hindi matanggal ang inis ko! pag dating ng kinagabihan as usual nag online nanaman ako... tingin tingin.. search search... chat chat... pero ndi ko napigilan ang sarili kong i-view ang kanyang friendster ulit! nakakainis ka talaga ang sabi ko sa sarili ko... lalo kong nainis ng mabasa ko ang shout out nya! eto nanaman ang damuho!

SHOUTOUT: Sorry po sa na add at na delete! d po sinasadya! pa add ulit!

GRRRR..... sobrang kaasar at kapikon na tlaga sya!!! OMG! nakakainis na! anu ba ito? parang nang aasar na talaga siya! can i kill??? can i just kill that pakshet person now??? as in mega now??? NAKAKAINIS! NAKAKAINIS NA TALAGA SIYA!!! sa asar bigla kong napa log out at pinatay ang aking pc. hanggang sa pagtulog ko inis parin ang nararamdaman ko... OMG... please naman po... alisin nyo na po ang nararamdaman ko...let me move on and let go... ang sama talaga pag may unfinished business ka sa isang tao, lalo na pag ex boyfriend mo... bakit nga ba? alam kong sarili ko dapat ang kainisan sa mga bagay bagay na nang yayari sa buhay ko... ako.. bakit ganoon...

pinalipas ko ang ilang araw bago ko natanggap sa sarili ko na dapat tumigil na ako. itigil ko na ang kabaliwang ito... in add ko nalang siya ulit sa friendster ko para matapos na ito... ok naman at in accept nya ako, which is dapat lang di ba... ngayon habang tinitignan ko ang profile nya at tinignan ko ang mga picture nya... ahahaha! ngayon ko lang napag tanto kung gaano ka SINUNGALING ng taong ito... i share ko lang ha.. as in i share ko lang... kahit tawagin nyo akong bitter dito... naaalala ko pa nung hiniwalayan nya ako, sinabi nya sa aking mag aasawa na cia.. mega post pa cia sa dati nyang friendster ng pix ng "asawa" nya at "anak" nya daw... at ngaun? iba nanaman ang picture ng tintwag ng hon at buntis na ng 4mos daw (kailangan pang sabihin kung ilang mos??) YES mga kapatid! tandang tanda ko pa ang mukha ng babaing sinsabi niyang "asawa" daw nya! FYI, sa sobrang bitter po kase eh sinave ko ang pix ng babaeng iyon sa pc ko para sabihin na mas maganda ko at lamang lang ako ng ilang kain sa kanya! HAHAHA AMP! BITTER! anu ba talaga kuya? hay naku... gudluck na nga lang sayo... ndi ko alam kong anu gusto mong gawin sa buhay mo... ndi ko rin alam kung anung gusto mong ipahiwatig sa mga inaaksyon mo sa buhay mo... dapat wala na kong pakiaalam sayo di ba?

hay oo... tama na ito... natauhan ako ng kaunti ngaun araw na ito. siguro nga yang unfinished business na iyan, kahit anu man yan, its either tapusin na talaga iyan o ibaon nalang sa lupa. dapat tanggapin na ang mga pangyayari... dapat tanggapin na ang katotohanan...

PAKSHET YANG NAPAKASINUNGALING NA EX BOYFRIEND MO AT MAG MOVE ON KA NA TALAGA TANGA!

1 comment:

Anonymous said...

aha... i know hu u tokin grlfren! hehehe... BITER pa in ang lola ko. aysus... move on grl...mag kape nga tyo at ng makape kta hehehe mwahhhh